_pang-masa
^

Shellfish ban nananatili sa Davao

Angie dela Cruz (Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patuloy na ipinaiiral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang shellfish ban sa Balite Bay sa Davao Oriental, Southern Mindanao dahil sa patuloy na pagtaas ng toxicity level ng red tide.

Bunga nito, sinabi ni Asis Perez, director ng BFAR, nakipag-ugnayan na ang BFAR sa lokal na pamahalaan ng Davao Oriental na bawalan ang mga residente na manguha, magbenta at kumain ng shellfish products tulad ng tahong, halaan gayundin ang alamang.

Ang isda, hipon at alimango naman mula sa naturang baybayin ay maaaring kainin basta’t linising mabuti.

Ligtas naman sa red tide toxin ang  mga lugar na nasa paligid ng baybayin ng Manila Bay tulad ng Cavite at Bulacan.

ANG ASIS PEREZ BALITE BAY BULACAN BUNGA BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES CAVITE DAVAO ORIENTAL LIGTAS MANILA BAY SOUTHERN MINDANAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with