Umaway sa tatay, pinatay
Joy Cantos (Pang-masa) - November 24, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 42-anyos na mister nang pagtatagain siya ng kanyang pamangkin matapos awayin ang tatay nito naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. South Poblacion, Maramag, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinilalang si Rolando Lapurga na nagtamo ng mga malalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang suspek na tumakas ay si Virgilio Tomas Jr., 21, residente sa lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas- 6:20 ng gabi sa bisinidad ng Brgy.South Poblacion ay nagkaroon na mainitang  pagtatalo ang biktima at pinsan nitong si Virgilio Tomas Sr., 53, ama ng suspek dahil sa alitan sa lupa  ng kanilang mga pamilya  na nauwi sa pananaksak.

Naaktuhan ng suspek ang ginawang pananaksak ng biktima sa ama at upang tulungan ang dehadong ama  ay kumuha ito ng itak at pinagtataga ang tiyuhin.

Nagawa namang makatakbo ng biktima, subalit hinabol pa rin ito ng suspek at muling pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

ANG BATAY BRGY BUKIDNON MARAMAG NAAKTUHAN NAGAWA ROLANDO LAPURGA SOUTH POBLACION VIRGILIO TOMAS JR. VIRGILIO TOMAS SR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with