Ina, 4-anyos anak kinatay

Joy Cantos (Pang-masa) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Mistulang hayop na  kinatay ang isang mag-ina matapos matagpuan ang duguang katawan ng mga ito dahil sa mga taga ng itak kamakalawa sa Brgy.Bungiao, Zamboanga City.

Ang mga mag-inang nasawi ay kinilalang sina Emmalyn Gallarde, 33, at anak nitong si Ricame Gallarde, 4.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-3:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng mag-ina sa madamong lugar sa Sitio Camp Soccorro, ng nasabing barangay.

Bago ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mag-ina ay huli itong nakitang buhay na naglalakad sa madamong bahagi ng nasabing lugar.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo ng krimen at mapanagot sa batas ang salarin.

 

ANG BRGY BUNGIAO EMMALYN GALLARDE MAG MISTULANG PATULOY POLICE REGIONAL OFFICE RICAME GALLARDE SITIO CAMP SOCCORRO ZAMBOANGA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with