^

Police Metro

UV Express pinasabog: 2 sugatan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasugatan ang dalawang katao makaraang sumabog ang isang pampasaherong van sa terminal ng SM Ecoland shopping mall  sa Davao City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Chief Inspector Milgrace Driz, spokesperson ng Davao City Police, dakong alas – 9:45 ng umaga nang mangyari ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa Ecoland Drive may ilang metro ang layo mula sa mall.

Itinanim ang bomba sa Toyota Hi Ace Van, UV Express (MVW 553)  na pag-aari ni Gregorio Guerrero  na kararating lamang sa nasabing terminal.

Nasugatan sa insidente ang konduktor ng van na kinilala lamang sa alyas na Tata at driver nito na mabilis na isinugod sa Southern Philippines Medical Center.

Sinabi ni Driz na mabuti na lamang at nakababa na ang mga pasahero ng van nang mangyari ang pagsabog.

Ang van ay may biyaheng Midsayap, Cotabato-Davao  na kararating lamang sa naturang terminal.

ANG

COTABATO-DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE

DRIZ

ECOLAND

GREGORIO GUERRERO

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

NASUGATAN

SOUTHERN PHILIPPINES MEDICAL CENTER

TOYOTA HI ACE VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with