5-katao nilamon ng apoy
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - November 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Lima-katao ang nila­mon ng apoy habang 50 pamilya naman ang nawalan ng tirahan  matapos masunog ang 30 kabahayan kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Halos natusta ang mag-inang Michael Nacionalis, 28; at Kiel Nacionalis, 3, habang kinilala ang mag-asawa sa pangalang Aljon at Gemalyn habang ang anak ng mga ito na si Jen-Jen, 3.

Nagtamo naman ng sunog sa kaliwang braso si Mary Grace na misis  ni Michael.

Nagsasagawa pa ng clearing operation ang Bureau of Fire Protection sa iba pang nawawala.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Caloocan City, bandang alas-12:32 ng madaling araw nang magsimulang masunog ang bahay ni Virginia Norbete sa kahabaan ng Don Benito Street sa Barangay  21.

Agad namang rumisponde ang mga bumbero subalit nahirapang makapasok dahil sa kasikipan ng mga kalsada.

Sinasabing nagmula ang sunog sa napaba­yaang kandila na naiwan sa bahay ng pamilya Norbete kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Dahil gawa lamang sa light materials ang 30 kabahayan ay mabilis na tinupok ng apoy kung saan aabot naman sa P3-milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Naapula naman ang apoy bandang alas-5 ng umaga kung saan umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga namatay dahil marami pa ang nawawala.

ACIRC ALJON ANG AYON BUREAU OF FIRE PROTECTION CALOOCAN CITY DON BENITO STREET KIEL NACIONALIS MARY GRACE MICHAEL NACIONALIS VIRGINIA NORBETE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with