_pang-masa
^

Police Metro

Pulis bantay uli sa gate ng Crame

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Balik na muli sa trabaho ang mga pulis sa pagbabantay sa mga gate ng  punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame matapos ang isang taong pagbabantay ng mga security guard na ipinatupad noon sa ilalim ng liderato ni dating PNP Chief P/Director General Alan Purisima.

Ang pagtalaga ng mga security guard ay bahagi ng transformation program na ipinatupad ni Purisima  sa PNP upang mailabas sa pagbabantay sa lansangan ang mga pulis.

Sa paliwanag ni P/ Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP-Public Information Office,  napaso na ang kontrata ng Right Eight Security Agency na nagbabantay sa mga gate ng PNP noon pang Oktubre 27 ng taong ito.

Nabatid na gumugol ang PNP ng kabuuang ­P ­21M para sa isang taong pagbabantay ng kabuuang 73  security guard sa mga gate ng Camp Crame  matapos ang malagim na Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 ng taong ito.

Sinabi ni Mayor na kinakailangang muling magsagawa ng “public bidding”para sa pagkuha ng panibagong serbisyo ng security agency.

Nilinaw ni Mayor na dahil sa matagal ang pro­seso ng public bidding hinggil dito ay kailangan munang lagyan nila ng mga pulis ang binabanta­yang mga gate sa PNP Headquarters.

ACIRC ANG CAMP CRAME CHIEF P CHIEF SUPT DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA MAMASAPANO MGA PHILIPPINE NATIONAL POLICE PNP PUBLIC INFORMATION OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with