^

Police Metro

Tserman na galing b-day party, dinedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang barangay chairman ang malapitang binaril habang pauwi mula sa birthday party sa Brgy. Poblacion, Rosario, Batangas kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ang biktimang si Jaime Ramos, chairman sa Brgy. Santa Cruz ng bayang ito.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay papauwi na ang biktima matapos na dumalo sa birthday party ni Brgy. Chairman Rudy Pesigan sa lugar.

Inihatid pa ni Pesigan ang biktima na lulan ng patrol jeep sa harapan ng isang tindahan dahilan sa hihintayin pa nito ang kaniyang anak para sabay silang umuwi.

Ilang sandali ay nila­pitan ito ng isang lalaki at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

ACIRC

ANG

BATANGAS

BATAY

BRGY

CHAIRMAN RUDY PESIGAN

ILANG

INIHATID

ISANG

JAIME RAMOS

SANTA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with