^

Police Metro

Helper napisak ang ulo sa gate

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang helper matapos na maipit ang ulo nito sa gate na bakal na umano ay biglang isinara ng sekyu kamakalawa sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jay-Mar Jagarap, 23, ng No.6517-Libis Espina, Brgy. 18, Caloocan City.

Itinuring na suspek ang sekyu na si Victorio Calidguid, 48, ng Kislap Security Agency, at naninirahan sa Block 22, Lot 20, Tawid Sapa 2, Brgy. Kaligayahan, Novaliches.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay magdedeliber ang biktima nang order ng kumpanya na Allied Concrete Pro­ducts na matatagpuan sa No.91 North Zuzuarregui St., Brgy. Old Balara.

Bumaba ang biktima sa kanilang truck at papasok sa bahagyang nakabukas na gate na bakal para ipakita sa sekyu ang dalang resibo nang biglang sumara ng malakas ang magkabilang gate sa hindi mabatid na kadahilanan at nasapul ang ulo ng biktima.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Gen. Malvar Hospital, subalit binawian ng buhay habang ito ay ginagamot.

Inimbestigahan ng pulis ang sekyu para mabatid kung nagkaroon ng manual function ang gate na ikinasawi ng biktima.

ACIRC

ALLIED CONCRETE PRO

ANG

BRGY

CALOOCAN CITY

JAY-MAR JAGARAP

KISLAP SECURITY AGENCY

LIBIS ESPINA

MALVAR HOSPITAL

NORTH ZUZUARREGUI ST.

OLD BALARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with