_pang-masa
^

Pulis dedo sa tandem

Danilo Garcia (Pang-masa) - October 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Napatay ang beteranong pulis-Caloocan matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Pangako Street sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si SPO1 Rodrigo Antonio, nakatalaga sa Caloocan City Police Community Precinct 1 at nakatira sa Barangay 149 Bagong Barrio sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Joel Montebon, papasok sa trabaho ang biktimang sakay ng motorsiklo nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding assassins.

Binuo na ang special investigating Task Group para tutukan ang nasabing kaso kung saan ilan sa anggulong sinisilip ay ang posibleng may nakabanggaang sindikato ang biktima.

Nabatid na dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa NPD si SPO1 Antonio bago naitalaga sa Caloocan City PNP noong Agosto 31.

AGOSTO ANG BAGONG BARRIO BINUO CALOOCAN CITY CALOOCAN CITY POLICE COMMUNITY PRECINCT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT JOEL MONTEBON PANGAKO STREET RODRIGO ANTONIO TASK GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with