^

Police Metro

Lady trader dedo, 3 helper sugatan sa pamamaril

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 41-anyos na ginang na negosyante ang nasawi habang ang tatlo nitong helper ay nasugatan matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Liza De Jesus, may-asawa, may-ari ng Ronnie and Liza Hog Dealer Stall at residente ng Lot 4, Block 39, Phase 3, Dagat Dagatan, Brgy. 12, ng naturang lungsod.

Nasugatan ang tatlong helper nito na si Jonnel Varquez, 31; Jimboy Baslote, 19; at Digno Yasay, 18, pawang mga stay-in sa bahay ni De Jesus.

Batay sa ulat, dakong alas-5:27 ng umaga sa tapat ng meat stall ng biktima  may Lot 19H, Block 16C, Phase 3-B, Brgy. 12, Dagat Dagatan ay abala ang biktima sa pag-aasikaso sa kanyang paninda nang sumulpot ang dalawang lalaki at  walang sabi-sabing pinagbabaril ang una at tatlo nitong tauhan.

Tumakas ang mga suspek sa dalawang motorsiklo na minamaneho ng dalawa pang lalaki at humarurot tungo sa direksyon ng Malabon City.

vuukle comment

ANG

BRGY

CALOOCAN CITY

DAGAT DAGATAN

DE JESUS

DIGNO YASAY

JIMBOY BASLOTE

JONNEL VARQUEZ

LIZA DE JESUS

MALABON CITY

RONNIE AND LIZA HOG DEALER STALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with