^

Police Metro

B-day boy itinumba

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na nagawang ipagdiwang ng isang 22-anyos na lalaki ang kanyang kaarawan matapos siyang barilin sa ulo maging ang tatlong kaibigan habang bumibili ng alak sa tindahan naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on- arrival sa ospital ang biktimang si Ryan Bongas, bottle segregator ng San Miguel Corp at residente ng  Bldg. 21, Unit 15 , Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila.

Nasugatan at ginagamot din sa nasabing ospital ang mga kaibigang sina Ruel Seperiano, 20, na tinamaan ng bala sa braso at paa; Kenneth Meguillo, 20, na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:00 ng gabi  sa pagitan ng Bldg 22 at Bldg 23 ay bibili sana ng maiinom na alak ang mga biktima para sa kaarawan sa tindahan nang lapitan ito ng isa sa mga suspek at biglang binaril sa ulo.

Pinaputukan din ng mga suspek sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Seperiano  habang tinamaan naman ng ligaw na  bala si Meguillo.

Tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Road 10.

ANG

IDINEKLARANG

KENNETH MEGUILLO

MAYNILA

MEGUILLO

NASUGATAN

PINAPUTUKAN

RUEL SEPERIANO

RYAN BONGAS

SAN MIGUEL CORP

TEMPORARY HOUSING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with