Mga Gabinete magsisipagbitiw na
Rudy Andal (Pang-masa) - September 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Magsusumite na ng kanilang resignation letter ang mga Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III na may planong tumakbo sa darating na 2016 elections.

Kabilang sa inaasahang magsusumite ng kanilang resignation bago sumapit ang filing ng certificate of candidacy sa darating na Oct. 12-16 ay sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, MMDA chairman Francis Tolentino, Justice Sec. Leila de Lima, TESDA director-general Joel Villanueva at Health Sec. Janet Garin.

Maging si Philhealth board member Rissa Hontiveros ay may plano muling tumakbong senador sa darating na 2016 elections.

Mga sasabak  sa senatorial race sa 2016 ay sina Sec. De Lima at Chairman Tolentino sa ilalim ng Li­beral Party habang si Villanueva ay sa ilalim naman umano ng senatorial ticket ng Poe-Chiz tandem, samantalang tatakbong kongresista sa 3rd district ng Quezon province si Alcala at Iloilo congressional district naman si Garin.

Magugunita na nagbitiw na sa kanilang tungkulin sina food security adviser Sec. Kiko Pangilinan epektibo sa Sept. 30 dahil tatakbo din itong senador sa ilalim ng LP gayundin si Energy Sec. Jericho Petilla.

Nagsumite na din ng kanyang resignation si Trade Sec. Gregory Domingo kamakailan kay Pangulong Aquino, subalit pinalawig pa ang pa-­   nunungkulan nito hanggang sa December 2015 dahil sa APEC event.

 

ACIRC AGRICULTURE SEC CHAIRMAN TOLENTINO DE LIMA ENERGY SEC FRANCIS TOLENTINO GREGORY DOMINGO HEALTH SEC JANET GARIN JERICHO PETILLA JOEL VILLANUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with