Indian trader niratrat ng tandem
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 13, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 42-anyos na negosyanteng Bumbay matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng San Andres Bukid sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa Manila Doctors Hospital ang biktimang si  Sonu Kumar, may ari ng Anmol Indian Groceries sa Apacible Street sa Paco, Maynila at nakatira sa  Zafiro Street sa San Andres Bukid.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Joseph Arbis, sakay ng traysikel ang biktima at dalawa nitong tauhan na sina Robert Tuco, Carmen Castillo.

Unang bumaba sina Tuco at Castillo kung saan nagpahatid naman sa kanyang bahay si Kumar subalit sinundan ito ng riding-in-tandem gunman saka niratrat.

Bumagsak na sa kalye ang biktima subalit ilang ulit pa itong pinaputukan bago tumakas ang tandem.

Gayon pa man, walang tinangay sa biktima na pinaniniwalaang alitan sa negosyo ang isa sa motibo sa pamamaril.

 

ANG ANMOL INDIAN GROCERIES APACIBLE STREET CARMEN CASTILLO JOSEPH ARBIS MANILA DOCTORS HOSPITAL MAYNILA ROBERT TUCO SAN ANDRES BUKID SONU KUMAR ZAFIRO STREET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with