Cable guy, todas sa manhole
Cristina Timbang (Pang-masa) - August 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang kawani matapos na ito ay ma-suffocate habang gumagawa sa loob ng manhole sa Kawit, Cavite,kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Richard Dioneda, may-asawa, tubong Siniloan, Laguna at empleyado ng John Collan Enterprise, sub-contractor company ng PLDT.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw habang nasa loob ng manhole ng PLDT sa Binakayan-Imus Road, Brgy. Balsahan nang bigla itong mahimatay.

Agad na ito ay iniahon ng mga kasamahan sa trabaho at dinala sa ospital,pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Pinaniniwalaang hindi nakahinga ang biktima habang ito ay nagtatrabaho sa loob ng manhole.

ANG BALSAHAN BATAY BINAKAYAN-IMUS ROAD BRGY CAVITE JOHN COLLAN ENTERPRISE KAWIT PINANINIWALAANG RICHARD DIONEDA SINILOAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with