Mediaman itinumba
Mediaman itinumba
Joy Cantos (Pang-masa) - August 19, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang mediaman kamakalawa ng gabi sa Davao del Norte.

Ang biktima na binawian  ng buhay sa ospital ay kinilalang si Gregorio “Loloy”  Ybañez, publisher ng lokal na pahayagang Kabuhayan News Services at Pangulo ng Davao del Norte Press and Radio TV-Club (DNPRC) at  tumatayo ring Director ng Davao del Norte Electric Cooperative (DANECO).

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-10:00 ng gabi malapit sa kanyang bahay sa Mirafuentes Subdivision, Brgy. Magugpo North, Tagum City, Davao del Norte ay dumalo ito sa isang pagpupulong na ginanap sa The Big 8 Hotel sa lungsod.

Nang pauwi na ang biktima ay sinundan ito ng mga suspek na sakay ng kotse at paglapit sa biktima ay isa sa mga suspek ang nagbukas ng bintana ng sasakyan at pinagbabaril ang biktima na tinamaan ng tatlong bala ng kalibre 45 sa dibdib at braso.

Pinaniniwalaan ng kasamahan ni Ybañez na may kinalaman sa alitan sa DANECO ang pamamaslang dito dahilan sa hindi naman umano ito birador ng lokal na pahayagan nito.

Nabatid na bago ang pamamaslang ay nakakatanggap na ang biktima ng mga death threats.

ANG ATILDE DAVAO KABUHAYAN NEWS SERVICES MAGUGPO NORTH MIRAFUENTES SUBDIVISION NORTE NORTE ELECTRIC COOPERATIVE NORTE PRESS AND RADIO TAGUM CITY YBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with