Tiyo todas sa pamangkin
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - March 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 39-anyos na lalaki nang ito ay barilin ng kanyang 21-anyos na pamangkin matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Leo Berdida, pedicab driver,  ng #738 E. Rodriguez St., Barangay 1654, Zone 18, Malibay ng nasabing lungsod.

Habang tumakas naman ang suspek na si Jeffrey Hersalina, nakatira rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:00 ng madaling araw sa loob ng bahay ay nag-inuman muna ang mga ito kasama ang ilang kaibigan.

Nang kapwa malasing ay nagpaalam ang biktima at suspek sa mga kainuman na uuwi na sila.

Pagdating sa bahay ay narinig ni Jonel, nakakatandang kapatid ng suspek na nagtatalo ang magtiyuhin tungkol sa hindi umano pagtulong ng biktima na ipagamot ang isa nilang kamag-anak na hindi tinukoy ang pangalan.

Sa labas ng bahay ay patuloy na naririnig ni Jonel ang pagtatalo ng dalawa kaya’t napilitan itong pumasok ng bahay para awatin, subalit nakasarado ang pinto hanggang sa nakarinig ito ng putok ng baril.

Pagbukas ng pinto ay nakita nitong lumabas ang kapatid para tumakas habang ang tiyuhin nito ay duguang nakabulagta at wala nang buhay.

HABANG JEFFREY HERSALINA JONEL LEO BERDIDA MALIBAY NANG PAGBUKAS PAGDATING PASAY CITY RODRIGUEZ ST.
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with