^

Police Metro

Sanggol iniwan sa MRT station

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Iniwan ng isang walang pusong ina ang umano’y kanyang bagong silang na sanggol na babae sa isang istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Makati City kamakalawa.

Sa pahayag ng mga sekyu ng MRT na sina Mark Anthony Montes at Lucio Pa-ano Jr., dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuan nila  sa hagda­nan ng  Southbound lane, EDSA Avenue ang sanggol na babae na tinatayang nasa dalawang linggo pa lamang ang gulang.

Nabigo ang pamunuan ng MRT Magallanes Station na matukoy ang pagkaka­kilanlan ng suspek na nag-iwan nito dahil sa walang nakakabit na CCTV camera sa naturang lugar.

Agad na dinala sa Barangay Bangkal Lying-in Center ang sanggol na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.

BARANGAY BANGKAL LYING

INIWAN

LUCIO PA

MAGALLANES STATION

MAKATI CITY

MARK ANTHONY MONTES

METRO RAIL TRANSIT

NABIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with