Pahinante pisak sa 20 foot container van

MANILA, Philippines – Pisak ang katawan ng 20-anyos na pahinante nang ito ay madaganan ng 20 foot container van kahapon sa Pier 8, North Harbor, Tondo, Maynila.

Halos ilang oras bago naiangat ang nakadagang 20-foot container sa biktima na nakilalang si Emeterio Beto, binata, residente ng Permanent Housing, Balut, Tondo.

Sumuko naman sa pulisya ang forklift ope­rator na si  Sonny de Pedro, 43, may-asawa, residente  ng  San Jose Del Monte, Bulacan na kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat, dakong alas-11:15 ng umaga sa likuran ng Sarah Canteen sa Slip 9, ng Pier 8, North Harbor ay bibili umano ng mineral water ang biktima kaya nagtungo ito sa nasabing canteen at dumaan sa Slip 9 nang hindi umano nakita ng suspek ang biktima at nailapag  ang container na dumagan dito.

Nabatid na delikado umano ang nasabing lugar kaya pinagbabawalan umano ng port authorities ang pagdaan sa slip area.

Show comments