Grade V pupil pisak sa bus
Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Durog ang katawan ng isang 12-anyos na batang babae nang magulungan at makaladkad  ng isang rumaragasang pampasaherong bus sa Binalonan, Panga­sinan kamakalawa.

Ang biktimang si Jeann Fernandez, grade-V student sa Bugayong Integrated School ay dead-on-the-spot sanhi ng grabeng mga sugat na tinamo sa kanyang katawan.

Sa ulat ng tanggapan ni Pangasinan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Reynaldo Biay, ang insidente ay naganap dakong ala-1:15 ng hapon sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Buga­yong, Binalonan.

Lumalabas sa report na biglang tumawid ang biktima habang papasok sa eskuwela, ngunit minalas itong hindi makita ng driver na si Alex Lapena, 31, dahil mataas ang minamaneho nitong Candon Bus Line (TXF 353).

Sa lakas ng pagkakabangga sa bata ay pumailalim ito sa bus na nakaladkad pa ng ilang metro na siya nitong dagliang ikinamatay.

Agad naman dinakip ng pulisya ang nasabing driver para papanagutin sa insidente.

ALEX LAPENA BINALONAN BUGAYONG INTEGRATED SCHOOL CANDON BUS LINE DIRECTOR P JEANN FERNANDEZ PANGASINAN PROVINCIAL POLICE OFFICE REYNALDO BIAY SR. SUPT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with