^

Police Metro

17-anyos itinumba sa droga

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Droga ang hinihinala ng pulisya na dahilan upang pagbabarilin at mapatay ang isang 17-anyos na binatilyo kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Namatay noon din ang biktimang si Rayven Manangan, ng Block 12B, Lot 27 Phase 2 Area 3, Brgy. Longos,  ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa may Halaan Alley nang harangin ng suspek at agad na barilin sa may sikmura.

Kahit na may tama ay nagtatakbo ang biktima, subalit hinabol pa rin at nang maabutan ay binaril sa ulo at katawan na dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon sa mga magulang ng biktima, maliligo sana si Manangan nang sa hindi mabatid na dahilan ay lumabas ng bahay at ilang minuto ang nakalipas ay nakatanggap sila ng balita tungkol sa pagpatay sa kanilang anak.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong sigalot sa iligal na droga ang dahilan.

vuukle comment

AYON

BRGY

DROGA

HALAAN ALLEY

KAHIT

LONGOS

MALABON CITY

MANANGAN

NAMATAY

RAYVEN MANANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with