Guro at pupil ni-rape

MANILA, Philippines – Isang 30-anyos na guro sa isang pampublikong paaralan at isang elementary grade 9 pupil ang ginahasa sa magkakahiwalay na lugar sa Zamboanga del Norte.

Ang biktima na itinago sa pangalang Cora, guro sa Ganase Elementary School sa nasabing bayan ay nagreklamo sa pulisya matapos na siya ay gahasain dakong ala-1:10 ng madaling araw sa loob ng kanyang bahay.

Sa salaysay ni Cora, mahimbing silang natutulog ng kaniyang isang taong gulang na anak ng maalimpungatan sa nilikhang ingay na kaluskos ng suspek na kinilalang si Rodito Belonio Jr. na dumaan sa bintana at hinalay.

Matapos halayin ay mabilis na tumakas ang suspek tangay ang cellphone ng biktima, passbook at cash na aabot sa mahigit P4,000.00.

Sa Barangay Dohinob, Roxas ng lalawigan ay hinalay naman ang isang grade 9 elementary pupil  sa ilog ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, bago ang panghahalay ng suspek sa biktima dakong alas-7:00 ng gabi ay kasalukuyang tumatawid sa ilog ang huli pauwi sa kanilang bahay nang sunggaban ng suspek at halayin.

Pagkatapos ay iniwan ng suspek ang biktima na umiiyak at  binantaan na papatayin kapag nagsumbong sa kaniyang mga magulang.

Show comments