_pang-masa
^

Police Metro

Eastern Samar, ligtas na sa krisis - Roxas

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumulak muna papuntang probinsya ng Masbate bago bumalik sa Maynila ang National Frontline Go­vernment Team sa pamumuno ni Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas matapos ideklarang ligtas na ang Eastern Samar sa krisis na likha ng Bagyong Ruby.

“Kung ikukumpara natin sa ospital, puwede nang ilabas ang Eastern Samar sa Emergency Room at Intensive Care Unit para ilipat sa regular na kuwarto,” ani Roxas, na siya ring Vice Chairman for Disaster Preparedness ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
“Pero hindi ibig sabihin na normal na ang pasyente. Kailangang pakainin ito at alagaan pa nang husto para gumaling agad at bumalik ang dating lakas,” dagdag pa niya.
Bago pa man tumama sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyong Ruby ay sumugod na si Roxas at iba pang miyembro ng National Frontline Government Team sa Borongan City, Eastern Samar, para pamunuan ang paghahanda ng mga local government units sa paparating na kalamidad.

Sa Borongan inaasa­hang tatama ang bagyo na kasing-bangis at kasing-lupit ng Super Bagyong si Yolanda, subalit lumihis si Ruby at unang tumama sa kalupaan ng Dolores, 65 kilometro ang layo mula sa Borongan.
Ayon kay Roxas, nalulungkot siya dahil may siyam na residente ng Eastern Samar ang napaulat na nasawi.

Ganunpaman, nagpa­salamat si Roxas sa mga lokal na opisyales at mga ahensiya ng pamahalaan dahil maraming buhay ang nasagip bunga ng maagap na paghahanda sa pagdating ng bagyo dahil sa natuto na ang lahat sa leksyong dala ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Roxas, na­ging mahirap ang kalaga­yan ng Eastern Samar sa u­nang araw na tumama ang bagyo dahil mara­ming puno ang bumagsak at bumara sa mga kalsada.
Sinabi ng kalihim na napilitan silang gumamit ng mga motorsiklo para maabot lamang ang bayan ng Dolores.
Maliban sa pagtaya ng mga napinsalang lugar, sinabi ni Roxas na naging pangunahing misyon nila ang pag-aalis ng bara sa mga kalye para masigurong maihahatid ang mga pagkain at tubig sa mga nasalanta ng bagyo.

Makalipas ang tatlong araw, matagumpay umanong naayos ang mga nakahambalang sa mga kalye kung kaya’t nasigurong bukas ang “supply lines” sa Borongan City at 22 munisipyo ng Eastern Samar.

Naibalik na rin anya ang mga linya ng komunikasyon at inuumpisahan na ang pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyo bukas na rin ang mga palengke at tindahan at walang naiulat na nakawan ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mamamayan.

 

AYON BAGYONG RUBY BORONGAN CITY DISASTER PREPAREDNESS EASTERN SAMAR EMERGENCY ROOM ROXAS SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with