100 kilo ng pampasabog, nasamsam

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang dalawang sako na naglalaman ng kemikal na sangkap sa pampasabog sa isang operasyon sa Brgy. New Salvacion, Labason, Zamboanga del Norte.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00  ng umaga nang marekober ang nasabing mga pampasabog  na inabandona sa labas ng bahay ni Razul Saaban sa naturang lugar.

Sa isinagawang pag-iinspeksyon sa dalawang sako ay natuklasang naglalaman ng ammonium nitrate, sangkap sa pampasabog at apat na clips ng garand rifle.

Pinaniniwalaan namang ang mga nakumpiskang kemikal na gamit sa pampasabog ay naiwan ng mga lawless elements at gagamitin ng mga ito sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED).

 

Show comments