_pang-masa
^

Police Metro

2 pulis dinakip sa panggugulo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaresto ang dalawang pulis ng kanilang kabaro matapos na ireklamo ng panggugulo sa isang restoran dahil sa kalasingan sa Quezon City noong Biyernes.

Ang mga pulis ay kinilalang sina PO1 Charlito Sarmiento, 30, at PO1 John Barateta Jr., pawang mga nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa ulat, ganap na alas-8:30 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa may Perfect Spot Restaurant matatagpuan sa Tomas Morato sa Brgy. Laging Handa.

Ayon sa mga umarestong pulis na  tinatahak nila ang Tomas Morato Avenue nang lapitan sila ng mga barangay tanod para humingi ng tulong kaugnay sa dalawang lalaki na lango sa alak at gumagawa ng ingay sa nasabing lugar.

Agad na sinamahan ng dalawang pulis ang mga tanod at nakita ang mga suspek na tumatakbo kaya’t hinabol ito at naabutan sa kanto ng Scout Lascano at Tomas Morato.

BIYERNES CHARLITO SARMIENTO JOHN BARATETA JR. LAGING HANDA NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE PERFECT SPOT RESTAURANT QUEZON CITY REGIONAL PUBLIC SAFETY BATALLION SCOUT LASCANO TOMAS MORATO TOMAS MORATO AVENUE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with