Apo ni Dolphy, lover dakip sa droga

MANILA, Philippines – Natimbog ng pulisya ang apo ng yumaong si comedy king Dolphy at live-in partner nito sa isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Maytalang 1, Lumban, Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Rocco Quizon, 32 at live-in partner nitong si Racquel Alcantara, 32; pawang residente  ng Brgy. Palasan, Sta. Cruz, Laguna.

Batay sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Maytalang 1, Lumban ng lalawigang ito at dito ay nasakote ng mga suspek sa aktong nagbebenta ng droga sa mga poseur buyer ng pulisya.

Bago ito ay nakipag-deal ang pulisya na bibili ng shabu sa mga suspek na agad namang kumagat sa transaksyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang piraso ng plastic sachet ng shabu, 8 piraso ng pinainit na transparent plastic sachet na may droga at mga drug paraphernalia.

Show comments