Impeachment kay P-Noy idadaan sa technicality

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila Auxiliary Bishop Brode­rick Pabillo na idadaan lamang ng Kongreso sa technicalities ang impeachment complaint para hindi ito umusad at tuluyang magkaroon ng immunity ang Pangulong Aquino sa anumang ihahain na impeachment laban sa kanya.

Kaya naman ay hinamon ni Bishop Pabillo ang administrasyong Aquino na harapin ng parehas ang impeachment complaint at huwag nitong gamitin o brasuhin ang mga kaal­yadong mambabatas na pigilan ang pag-usad ng reklamo at ideklarang “insufficient in form”.

 

Show comments