Supplier ng droga sa Rizal, nasakote

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga otoridad ang isang no.1 drug pusher sa Marikina City at umano ay supplier ng droga sa lalawigan ng Rizal sa ginawang pagsalakay sa isang townhouse sa Brgy.Nangka, Marikina na hinihinalang drug den.
Ang suspek ay kinilalang si Randy Domingo, nasa hustong gulang na residente ng #305 Soliven St., ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, sinalakay ang townhouse ni Domingo dakong alas-5:00 ng umaga matapos na makatanggap ng impormasyon na ginagamit na drug den ang townhouse nito.
Nasamsam ng mga otoridad sa suspek ang 10 gramo ng shabu at iba’t ibang uri ng drug paraphernalias.

Show comments