^

Guro utas sa kawatan, 3 sugatan

Joy Cantos (Pang-masa) - July 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dedo ang isang guro at tatlo ang nasugatan nang paghahatawin ng tubo sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng hindi pa nakilalang grupo ng mga kawatan  na nanloob sa tahanan ng mga ito sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala  ang nasa­wing biktima na si No­reen Alabao na tadtad ng mga  palo ng tubo sa ulo at iba pang bahagi ng katawan at nasawi sa internal he­morrhage.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang kasambahay ni Alabao na nagtamo rin ng mga malalalim na sugat at pasa sa katawan sanhi ng paghambalos sa mga ito ng tubo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap sa pagitan ng ala-1 hanggang pasado alas-2 ng madaling araw sa tahanan ng pamilya Alabao sa Brgy. Panoypoyan ng nasabing bayan. Masu­werte naman na nakaligtas ang 9-anyos na anak ng biktima kaya nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay dakong alas-5 ng umaga.

Samantalang nakita naman sa labas ng ta­hanan ng pamilya ang telebisyon, mobile phone habang hindi naman natangay ng mga suspek ang  P4,000 pera ng guro dahil maaaring nagmadali ang mga ito sa pagtakas.

Wala namang nakitang puwersahang pagpasok ang mga awtoridad sa tahanan ng mga biktima kung saan lumutang ang teorya na posibleng ka­kilala ng mga ito ang mga salarin.

ALABAO BRGY BULA CAMARINES SUR ISINUGOD KINILALA PANOYPOYAN SAMANTALANG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with