^

Granada sumabog sa detachment: 2 patay,10 sugatan

Joy Cantos (Pang-masa) - May 31, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang M203 grenade launcher ang aksidenteng sumabog sa detachment ng CAFGU Active Auxiliary (CAA)  na ikinasawi ng 2 miyembro at pagkasugat ng 10 pa kamakalawa sa Mandaon, Masbate.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang dalawang CAFGU sa Masbate Provincial Hospital na pansamantalang hindi muna tinukoy ang pangalan.

Habang ang 10 na nasugatan ay inilipad  ng helicopter patungo sa Legazpi City upang ipagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Sa ulat,bandang alas-8:00 ng umaga nang mangyari ang pagsa­bog ng 40 Mm grenade launcher sa Tulda Detachment ng mga CAFGU sa bayan ng Mandaon.

Nabatid na kasaluku­yang nililinis ng CAFGU na si Romy Arriola ang kaniyang rifle nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo bunsod upang sumabog ang nakakargang grenade launcher.

ACTIVE AUXILIARY BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL BINAWIAN HABANG LEGAZPI CITY MANDAON MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL ROMY ARRIOLA TULDA DETACHMENT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with