Mister ni Janet isama sa imbestigasyon ng ‘pork scam’

MANILA, Philippines - Dapat isama sa ginagawang imbestigasyon ng gobyerno tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam ang asawa ni Janet Lim-Napoles na si Jimmy.

Ito ang iginiit ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III,  dahil si Jimmy ang source ng listahan na natanggap ni dating senator at ngayon ay rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson na isinumite na rin sa Senado.

“Since Jimmy Napoles is the source of the list that former Sen. Ping Lacson submitted to the Senate, he should be called to shed light on his participation in the scam,” sabi ni Pimentel.

Ayon pa kay Pimentel, posibleng may alam si Jimmy sa PDAF scam at posibleng may “personal involvement” din ito sa nangyari.

Anya, hindi maaring ikatuwiran ni Mr. Napoles na hindi niya alam na ilegal ang pagbibigay ng kickbacks sa ilalim ng batas at dapat pang palalimin ang imbestigasyon ng Department of Justice at walang dapat palampasin upang hindi pagdudahan ng publiko ang kredibilidad nito.

Kabilang ang pa­ngalan ni Pimentel sa sinasabing tumanggap ng kickbacks sa pork barrel fund scam, pero agad niyang itinanggi ito ay sinampahan pa ng reklamo ang ilang opisyal ng Department of Agriculture sa Office of the Ombdudsman.

Show comments