Binata pinabulagta
Cristina Go Timbang (Pang-masa) - May 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata matapos barilin ng hindi pa  nakilalang suspek habang ito’y naglalakad sa iskinita pauwi na sana ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Brgy. Panapaan 7, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fergee Acol, 18 anyos, residente ng Sitio Malumot Brgy-Panapaan 7 sa lungsod.

Hindi pa nakikilala ang salarin na sinasabing mabilis na tumakas matapos nitong pagbabarilin ang biktima.

Sa imbestigasyon ni PO3 Angelito Roxas, may hawak ng kaso, dakong  alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente. Naglalakad umano ang biktima sa iskinita habang papauwi ito sa kanilang tahanan ng harangin at pagbabarilin siya ng suspek.

Duguang bumulagta ang biktima at naisugod pa sa pagamutan ng mga nagmagandang loob na residente  pero agad din nalagutan ng hininga.

 

ANGELITO ROXAS BACOOR CITY BRGY BULAGTA CAVITE DUGUANG FERGEE ACOL KINILALA NAGLALAKAD SITIO MALUMOT BRGY-PANAPAAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with