Abandonadong kotse may kargang mga bala

MANILA, Philippines - Natagpuan sa harap ng isang gate ng subdivision sa Quezon City ang isang abandonadong kot­se at nang rekisahin ang loob ay natagpuan na may mga karga itong bala.

Nabatid na ang inabandonang kulay silver gray na Honda (WCG-233) ay nadiskubre sa may south gate Blue Ridge Subdivision, Highland Driver kanto ng  Boni Serrano, Brgy. Blue Ridge.

Narekober mula sa back seat ng sasakyan ang bandoliers na may apat na mahahabang magazines ng M16 na puno ng bala na aabot sa 120 piraso.

Nabatid na matagal na nilang nakikitang nakahimpil sa nasabing lugar simula pa noong Abril 30 ang kotse.

Inaalam pa nila kung sinong may-ari ng nasabing kotse.

Show comments