Gadget sale ng Globe, dinudumog

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nagdaraos ng malawakang Gadget Sale ang Globe Telecom sa TriNoma Activity Center sa TriNoma Mall, Quezon City para sa mga customer na gustong mag-upgrade ng kanilang mobile phones at gadgets, lalung-lalo na ngayong summer season.

Ang Globe Prepaid On-the-Go Great Gadget Sale ay nagsimila noong Huwebes na magtatagal hanggang ngayong araw na ito ng Linggo.  Makabibili ng bagong mobile phones at gadgets na may hanggang 90% discount. Maaaring i-trade in ang lumang phones at gamitin ang Globe rewards points para ma-avail ang nasabing discount.

Iba’t-ibang phone brands ang maaaring pagpilian ng mga customers mula Samsung, Nokia, LG, Sony, Lenovo, Huawei, Alcatel, MyPhone, Cloudfone, Star Mobile, Gionee, DTC at Cherry Mobile.

I-trade in din ang Cherry Mobile, iPhone, Blackberry, Huawei, HTC, LG, Nokia, Samsung, Sony Xperia, Cherry o MyPhone, at bayaran ang cash-out gamit ang Globe Rewards points (100 points = Php100).

Sa mga nais pang humabol ay magpunta na ngayon sa TriNoma Activity Center mula 10am hanggang10pm para ma-enjoy ang pinakamalaking phone deals sa Globe Prepaid On-the-Go Great Gadget Sale.

Show comments