Ayaw magbayad ng utang, pinatay

MANILA, Philippines - Marahil ay nagsawa na sa paniningil ng utang ang isang lalaki, su­balit hindi naman siya mabayaran ng obrerong umutang sa kanya kaya’t sa galit ay pinagsasaksak  ito na naganap kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Gat  Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Arsenio Sagao Jr., alyas “Sadam”, binata, residente  ng Block  17, Baseco, Port  Area, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Jhin Paul Agtang, tinatayang nasa pagitan ng 20-26 anyos, may taas na 5’2”, at residente sa lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga sa harapan ng bahay ng isang Jennelyn Delos Santos sa Block 17 malapit sa GK Habitat, Baseco, Port Area ay kakuwentuhan nito ang isang Noli Paral, 27 at biktima nang sumulpot ang suspek at sinisingil ang biktima sa utang nitong pera sa hindi malamang halaga.

Subalit, tumanggi umano ang biktima na bayaran ang suspek dahilan para ito ay magalit at binunot ang patalim sabay saksak sa biktima.

 

Show comments