^

Paslit naatrasan ng dump truck

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 18, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasagasaan ang murang katawan ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos na maatrasan ng isang six-wheeler na truck sa Mandaluyong City, kamakalawa.

Namatay noon din ang biktima na si Denver Medina,  ng Sto. Rosario St., Brgy.  Plainview, ng lungsod.

Ang suspek na kusang loob na sumuko ay kinilalang si Arnel Roxas, 33, driver ng dump truck (RKC-118) ng Blk. 32, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay nagla­laro sa nasabing kalye ang biktima kasama ang isa pang bata malapit sa nakaparadang trak.

Kasalukuyang nasa driver seat na ang suspek na agad  nagmaniobra ng kanyang trak nang hindi mapansin ang biktima sa likuran na kanyang naatrasan.

Ang suspek ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

ADDITION HILLS ARNEL ROXAS BRGY DENVER MEDINA KASALUKUYANG MANDALUYONG CITY NAMATAY ROSARIO ST. WELFAREVILLE COMPOUND
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with