^

Police Metro

10-anyos nabaril ng kalaro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kritikal ang lagay sa ospital ng isang 10-anyos na batang lalaki nang aksidenteng mabaril ng kalaro na isang 11-anyos sa pag-aakalang laruan ang nakuhang baril kamakalawa sa Purok 5, Brgy. Nangapugan, San Quintin, Pangasinan.

Patuloy na inoob-serbahan sa ICU ng Tayug Family Clinic ang biktima na kinilalang si Jonathan Ordanza, nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng umaga ay naiwan ang suspek na itinago sa pangalang Jepoy sa kanilang bahay habang kalaro ang biktima.

Naghalughog si Jepoy sa kanilang bahay at aksidente nitong nakita ang nakatagong baril na inakala nitong laruan kaya binaril ang biktima na duguang bumagsak sa sahig.

Ayon sa pulisya, tumangging makipagtulungan ang mga magulang ng suspek at ayaw ding isurender ang armas na ginamit sa pagbaril sa biktima.

Patuloy na dinedetermina ng pulisya kung maaaring sampahan ng kaso ang magulang ng suspek.

AYON

BRGY

JEPOY

JONATHAN ORDANZA

KRITIKAL

NAGHALUGHOG

NANGAPUGAN

PATULOY

SAN QUINTIN

TAYUG FAMILY CLINIC

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with