^

Police Metro

Pasaway na anak pinatay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marahil ay napuno na ang isang tatay sa pagi­ging pasaway ng anak na nagdudulot ng kahihiyan sa tuwing ito ay lasing at nagwawala  kaya’t pinagtataga  ito naganap kamakalawa sa Tandag City, Surigao del Sur.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Larry Montejas, 31-anyos ng Purok Papaya, Brgy. Salvacion ng lungsod na ito dahil sa dami ng tinamong mga taga sa iba’t –ibang bahagi ng katawan.

Boluntaryo namang sumuko ang tatay na si  Danelito Montejas, 57  sa mga otoridad ilang oras matapos ang krimen.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon nang maganap ang malagim na insidente sa tahanan ng pamilya Montejas.

Nabatid na  napuno ang matandang Montejas sa sobrang pagkasugapa sa alak ng anak na nanggulo sa kanilang lugar sa tuwing malalasing ito bunsod upang malagay sa kahihiyan at ulanin ng mga reklamo ang kanilang pamilya.

 Naghamon pa umano ng saksakan ang biktima sa kanilang mga kapitbahay habang bitbit ang isang patalim at ng walang kumasa ay umuwi na ito sa kanilang bahay.

Pagdating sa bahay ay nag-ingay hanggang sa mapagod ito at akmang matutulog na nang daluhungin nang sunud-sunod na taga ng tatay hanggang sa mapatay.

BOLUNTARYO

BRGY

DANELITO MONTEJAS

LARRY MONTEJAS

MARAHIL

MONTEJAS

PUROK PAPAYA

TANDAG CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with