2 pinaghapunan ng bala sa karinderya

MANILA, Philippines - Nagmistulang naghu­ling hapunan ang dalawang lalaki matapos na sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Brgy.Vitali, Zamboanga City.

Namatay noon din ang dalawang biktima na  kinilalang sina Engineer Felipe Nepomuceno at Romel Dayrit, pawang nasa hustong gulang at mga empleyado ng Atro Mining. Habang nasu­gatan nang tamaan ng ligaw na bala sa paa ang isang Jaypee Joven,16.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang naghahapunan sina Nepomuceno at Dayrit sa isang karinderya sa lugar nang sumulpot ang mga salarin na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima at tinamaan si Joven sa paa.

Nagpanik  ang mga kustomer sa karinderya na nagpanakbuhan sa matinding takot nang makitang pinagbabaril ng mga suspek ang dalawang biktima.

Mabilis na tumakas pa­tungo sa direksyon ng Brgy. Tictapul, Zambo­anga City ang mga suspek.

 

Show comments