_pang-masa
^

Bumbay utas sa tandem

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - July 11, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -Utas ang isang negosyanteng bumbay matapos na siya ay tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isang gasolinanan sa Quezon City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Jagrup Singh, 48, may-asawa, negosyante, residente sa Blk 3, Lot 4, EG Fernandez St., Palmera Homes, Novaliches, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P03 Jaimee De Jesus, may hawak sa kaso, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-12:05 ng tanghali sa Petron Gasoline Station sa Vialogo Homes, Brgy. Payatas, Quezon City.

Habang patungo sa gasolinahan ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo para sana magpakarga ng gasolina nang sumulpot sa kanyang harapan ang dalawang suspek na rinding-in-tandem at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Nang makitang duguang bumagsak sa lupa ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin habang ang biktima ay isinugod sa Far Eastern Iniversity Medical Hospital, pero nalagutan din ng hininga.

Narekober ng pulisya sa kinaganapan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa medical examination sa bangkay ng biktima ay nagtamo ito ng tama ng bala sa dibdib na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Isa sa anggulong tinututukan ngayon ng pulisya na maaaring ugat ng krimen ay hinggil sa pagpapautang ng 5’6 ng biktima sa kanilang lugar. – May dagdag na ulat sina Jam Krisette Nuñez, trainee –

 

FAR EASTERN INIVERSITY MEDICAL HOSPITAL FERNANDEZ ST. JAGRUP SINGH JAIMEE DE JESUS JAM KRISETTE NU PALMERA HOMES PETRON GASOLINE STATION QUEZON CITY VIALOGO HOMES
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with