Most wanted pumalag sa aresto, dedo
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - February 15, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko sa mga otoridad na may dalang warrant of arrest ay nanlaban pa ang suspek na most wanted cri­minal na naging dahilan ng kanyang kamatayan kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Namatay noon din ang suspek na si Michael Garcia, 33, may-asawa, ng Road-10,  Santo Niño, Barangay Northbay Boulevard South (NBBS) sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan naman at nilalapatan  ng lunas  sa Tondo Medical Center si Jean Mario Dacalos, 24, matapos itong tamaan ng ligaw na bala  sa kanang kamay.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi ay tinungo ng mga pulis na taga-warrant section ang bahay ng suspek sa nabanggit na lugar.

Nang mamataan  ni Garcia na  parating ang mga  pulis ay  kaagad itong  tumakbo at pumasok sa bahay nina Gina Beller Dacalos, 22 at sinundan ito  ng mga pulis at dito na sila pinaputukan ng suspek kaya agad gumanti ng putok ang mga pulis  na naging dahilan ng kamatayan nito.

Ang suspek ay ika-20 na most wanted criminal sa CAMANAVA area.

BARANGAY NORTHBAY BOULEVARD SOUTH GINA BELLER DACALOS JEAN MARIO DACALOS MICHAEL GARCIA NAVOTAS CITY SANTO NI TONDO MEDICAL CENTER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with