Bus sinalpok ang nakatigil na trak: 2 patay, 40 sugatan

MANILA, Philippines - Isang bus driver at pasahero nito ang nasawi habang 40 iba pa ang nasugatan matapos na  masalpok ng isang  pampasaherong bus at nakatigil na  trak kahapon ng madaling-araw sa national highway ng Castilla, Sorsogon.

Ang nasawi ay ang driver  ng Ellavil Bus na si Raymundo Lapso, 46-anyos, matapos maipit ang katawan habang nasawi ang pasaherong nitong si Clodualdo Recel, 64-anyos.

Dinala sa mga pa­gamutan ang mga biktimang nagtamo ng sugat at pagkabali ng katawan na kinabibila­ngan nina Jennyln Jular, 22, Osias Samante, 32; Adelaida Ultra, Gracia Nacsa, Karen Cerbito, Gemma Acopiado, Merlan Obesis, Reina Umbog, Rafael Umbog, Manuel Durana, Joselita Robles at iba pa.

Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang bangaan sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Rawis, Castilla ng lalawigang ito.

Kasalukuyang buma­bagtas sa lugar ang Ellavil Bus na galing Me­tro Manila at patungong Northern Samar nang makabanggaan ang kasalubong na trak na sa lakas ay tumilapon pa sa loob ng bus ang isang batang pasahero.

Nabatid na madilim sa lugar at mabilis ang takbo ng nasabing bus na agad  sumalpok sa likurang bahagi ng  truck na nasiraan sa tabi ng highway.

 

Show comments