_pang-masa
^

Police Metro

Detachment grinanada: 2 pulis,1 sibilyan sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang himpilan ng Spe­cial Action Force (SAF) ang sumabog na iki­na­su­gat ng tatlong katao kabilang ang dalawang pulis matapos hagisan ng granada ng riding in tandem sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Lamitan City, Basilan kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni Chief Inspector Kenneth Balisang, hepe ng Lamitan City Police, bandang alas-11:30 ng gabi ng mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigas­yon, sa kasagsagan ng putukan kaugnay ng countdown sa pagsalubong sa 2013 ay biglang sumulpot sa lugar ang motorcycle riding-in-tandem.

Pagtapat ng mga suspek sa detachment ng Special Action Froce sa kahabaan ng Rizal Ave­nue sa lungsod ay bigla na lamang ang mga itong naghagis ng granada na sinamantala ang kasiyahan ng mga tao na nagpapa­putok sa lugar.

Sa nasabing insidente ay nasugatan ang dalawang pulis at isang dumaraang sibilyan na mabilis na isinugod sa pagamutan.

 

 

ACTION FORCE AYON BAGONG TAON BASILAN CHIEF INSPECTOR KENNETH BALISANG LAMITAN CITY LAMITAN CITY POLICE RIZAL AVE SHY SPECIAL ACTION FROCE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with