^

Lalaki binati ang kamatayan

Ni Mer Layson (Pang-masa) - November 3, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang 26-anyos na lalaki na ang pagbati niya sa isang lalaki na naglalakad sa tapat ng kanyang bahay ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos siyang saksakin sa leeg kamakalawa ng gabi sa Taytay, Rizal.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Leonardo Papio, ng Halang Bangiad Upper, Barangay San Juan, Taytay.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi ay nakatambay ang biktima sa tapat ng kanyang bahay kasama ang isang kapitbahay nang dumaan ang suspek at binati ng una.

Ilang sandali ay buma­lik ang suspek at walang sabi-sabing tinarakan sa leeg ang nabiglang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo at sino ang suspek.

 

BARANGAY SAN JUAN BATAY HALANG BANGIAD UPPER ILANG ISANG KANYANG LEONARDO PAPIO PATULOY RIZAL TAYTAY
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with