^

PM Sports

Gilas training target simulan agad

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Plano ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na magkaroon ng sapat na panahon ang kanyang bataan na makapagsanay bago sumalang sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Dalawang krusyal na laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas — una na ang New Zealand sa Pebrero 26 kasunod ang Australia sa Marso 1 na parehong lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nais ni Cone na masimulan ang ensayo sa Pebrero 11 subalit hindi pa available ang karamihan sa mga players nito.

Kaya naman target ni Cone na makumpleto ang kanyang bataan sa Pebrero 15.

Ilan sa mga ito ay ga­ling pa sa Japan at South Korea dahil naglalarong imports ang ilan sa mi­yembro ng Gilas pool.

Inaasahang magpapahinga muna ang ilang players tulad ng mga nag­laro sa katatapos na PBA Philippine Cup.

Masisilayan nang muli si Sotto matapos ang isang taong pahinga dahil sa tinamong ACL injury nakaraang taon.

Inaabangan na ang pagsasama nina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown sa Gilas Pilipinas.

Malaking tulong ang pagbabalik ni Sotto at ang dagdag puwersang si Millora-Brown lalo pa’t matatangkad ang makakalaban ng Gilas Pilipinas sa second window ng qualifiers.

FIBA

GILAS PILIPINAS

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with