Magkakaalaman sa Baguio
Dikit ang karera para sa overall team championship, pero palaging sa individual championship nakatuon ang atensyon ng Tour fans.
Maagang lumayo sa mga kalaban si Korean Joo Dae Young ng Gapyeong Cycling Team, at kung siya ay well-rounded rider, posibleng makumpleto ang wire-to-wire victory sa MPTC Tour of Luzon: Great Revival.
May kaunting ahon ang Clark-to-Clark race kahapon, at ito ay magandang sukatan para sa closing stage paahon ng Baguio sa Huwebes.
Pero makalawkaw man ang leaderboard sa Stages Five to Seven, gaya ng dati, sa Baguio stage pa rin magkakaalaman kung sino ang makakaranas ng ultimate Tour glory.
At least, nariyan si Ean Cajucom ng Victoria Sports na naipakita ang kanyang sprinting prowess at nakahugot ng back-to-back stage honors.
Ang siste, malayo sa overall individual lead, at mukhang hindi kasama sa mga threat sa Korea rider.
Pagkatapos humataw sa Paoay-Pagudpod-Paoay Stage One, playing it safe o takbong turista si Joo.
Malamang, hindi nagpapalaspag at nagpapakundisyon para sa huling birada sa Baguio.
DATOS: Salamat sa inisyatibo ni Patrick Gregorio ng DuckWorld at ni PhilCycling secretary general Lorenzo Lomibao, at sa sponsorship ng MPTC, muling ine-enjoy ng Filipino sports fans ang beloved Tour of Luzon. Sana magtuluy-tuloy ang karera at maging annual spectacle gaya ng Marlboro Tour noon.
- Latest