^

PM Sports

Blackwater papasok sa quarters

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dahil sa tremendous boost mula kay prized import George King, sumirit tungo playoff contention ang Blackwater.

Mula 0-3, lumipad tungo 3-3 ang koponan ni coach Jeff Cariaso nang dumating si King at agad nag­pasiklab ng super statsline na 38.6 points at 15.6 rebounds per game.

Walang jetlag, walang jitters.

Pure good impressions ang agad na hinatid ni King. At hindi naman kataka-kata para sa isang legit na NBA veteran na naglaro sa Phoenix Suns at Dallas Mavericks.

Unang ginulantang niya sina Justin Brownlee at Barangay Ginebra sa kanyang 33-point, 19-rebound PBA debut na nag-angat sa mga Bossing sa 95-88 stunner.

Sumunod ang kanyang 44-point, 13-rebound effort sa kanilang 123-111 win kontra Phoenix at ang 39-point, 15-rebound job sa 110-99 squeaker over NLEX.

At malamang nasa tuk­tok ng board sa dugout si King sa pre-game talk ni coach Tim Cone para sa Blackwater-Ginebra rematch ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Mahinto kaya ng Gin Kings si King sa kanilang re­turn match?

Kung hindi, tutuloy ang ratsada ng Blackwa­ter at ma­lamang na dume­retso sa pagsungkit ng playoff spot.

Madalang makarating sa playoffs ang koponan ni Dioceldo Sy.

Last time eh sa 2022-23 Philippine Cup.

Pero ngayon naka-jackpot ng import na gaya ni King, nakikita kong ma­sasali ang Blackwater at least sa quarterfinals picture.

vuukle comment

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with