Mag-amang LeBron at Bronny James gagawa ng NBA history

Mag-amang LeBron at Bronny James sabay na maglalaro para sa LA Lakers?

Matagal nang usap-usapan ang pagpapang-abot ng mag-amang ito sa Lakers pero naapuyan ito nang sinabi ni LeBron na puwedeng puwede nang lumaro sa Lakers ang anak niyang si Bronny. ““He could play for us right now. Easy. EASY,” aniya.

Mabilis na kumalat ang balitang ito  matapos manood ang pamilyang James sa game ng anak niyang si Bronny na nasa kanyang freshmen year sa paglalaro para sa University of Southern California (USC) Trojans kung saan may nagtanong kay James kung magi­ging starting player ba ang kanyang anak.

Siguradong madami ang napataas ang kilay sa pahayag na ito ni James pero may malaking tsansang mangyari talaga ito dahil puwedeng pumasok sa NBA si Bronny ngayong taon.

Hindi kaeksplosibong player ang 19-gulang na si Bronny tulad ng kanyang 39-gulang na tatay pero mahusay ito at puwedeng-puwedeng mag-improve.

Sa edad ni LeBron, mabangis pa rin ito sa kanyang average na 25 points per game, 7.3 rebounds at 7.4 assist sa kanyang ika 21st season at walang senyales na magre-retire na ito. Sa huling taon ng kanyang kontrata nga­yong taon sa Lakers, ay may ‘players option’ siya na manatili pa sa team o maging unrestricted free agent.

Magiging malaking history sa NBA kung maglalaro nga ang father-and-son duo na hindi pa nangyayari sa liga lalo na kung talagang magkakasama sila sa Lakers. Abangan!

Show comments