^

PM Sports

De Leon humanga sa Bea Bell

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinilo ng Bea Bell ang korona sa 2023 PHILRACOM “2-Year-Old Maiden Stakes Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Hindi nagpadaig sa arangkadahan ang Bea Bell, nakipagtagisan ito ng bilis sa Spolarium kaya naging mainitan ang bakbakan nila sa unahan hanggang sa far turn.

Papalapit ng home turn ay kumuha na ng unahan ang Bea Bell kaya naman pagdating ng rektahan ay nasa tatlong kabayo na ang kanyang lamang sa likuran.

Ang Bea Bell na pag-aari ni Elmer De Leon at anak nitong si volleyball star player Bea de Leon ay nanalo ng may anim na kabayo ang agwat sa puma­ngalawang Bill Jordan.

Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, nirehistro ng Bea Bell ang 1:24.8 minuto sa 1,400 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Kinubra ni winning horse owner, De Leon ang P720,000, napunta ang P240,000 sa third placer na Bill Jordan, terserong tumawid ng meta ang Spolarium habang pumang-apat ang She’s Roral.

Impresibo ang ipinakitang husay ng Bea Bell kaya naman ihahanda ito ni trainer Donny Sordan sa stakes race.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with