Bustamante may ibubuga pa
Francisco Bustamante

Bustamante may ibubuga pa

Chris Co (Pang-masa) - March 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May asim pa si le­gendary cue artist Francisco Bustamante matapos angkinin ang titulo sa 2020 Scotty Townsend Me­morial One Pocket Championships na gina­nap sa West Monroe sa Los Angeles, California.

Hindi nakaporma sa tikas ni Bustamante si Jus­tin Hall ng Amerika sa finals para masungkit ng Pinoy champion ang kan­yang unang korona sa taong ito.

Naibulsa ng dating World 9-Ball champion na si Bustamante ang tumataginting na $10,000 cash prize, habang nagkasya lamang sa $6,000 konsolasyon si Hall.

Tumersera si dating world champion Dennis Or­collo para sa $3,000 pa­premyo kasunod si Je­remy Jones na nag-uwi na­man ng $2,000.

Una nang nagkampeon si Orcollo sa 2020 Scotty Townsend Memorial 10-Ball Championships.

Magandang panalo ito para kay Bustamante na nagkasya lamang sa dalawang third-place finishes.

Ito ay sa 2020 Derby City Classic Bigfoot Chal­lenge at 6th Texas Open 10-Ball Championship na parehong ginanap no­ong nakaraang buwan.

Dahil sa kanyang na­pa­nalunan ay umangat na sa ikalimang puwesto si Bustamante sa Az Billiards Money Ranking ta­ngan ang kabuuang $19,640 na nakolekta ni­ya sa season na ito.

 

 

FRANCISCO BUSTAMANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with