Poligrates nangunguna sa MVP race
JBulanday (Pang-masa) - October 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Liyamado si Marinerong Pilipino guard Eloy Poligrates sa MVP race ng 2019 PBA D-League Foundation Cup na papasok sa championship round simula nga-yong Huwebes.

Ito ay matapos magrehistro ng impresibong 21.0 puntos, 3.1 rebounds, 3.0 assists at 1.6 steals para sa Skipper na wala pa ring talo sa loob ng walong laro sa pagharap sa BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa Finals.

Tampok ang makasa-ysayang 67-point ni Poligrates sa 141-97 panalo ng Marinerong Pilipino sa iWalk noong Agosto 26 upang maitala ang pina-kabagong scoring record sa D-League.

Malaking tulong ang MVP derby lead na ito para sa 31-anyos na si Poligrates sa hangarin niyang makabalik sa PBA.

Napili ang Cebu-native na si Poligrates bilang 27th overall pick ng Talk ‘N Text noong 2013 PBA Rookie Draft at naglaro rin para sa Air21, NLEX at Kia na siyang huling PBA team niya noong 2015.

Second running si St. Clare guard Joshua Fontanilla na naglista ng 12.4 puntos, 4.1 rebounds, 6.4 assists at 2.0 steals. Nasa karera rin ang CEU captain na si Rich Guinitaran sa kanyang 157 points, 5.4 rebounds at 1.6 assists kahit pa laglag sa Final Four ang Scorpions.

Kandidato rin sina Jhonard Clarito ng TIP, Kurt Sunga ng CEU, Jhaps Bautista ng St. Clare at Bryan Santos ng TIP.

Iaanunsyo ang MVP winner pagkatapos ng best-of-three championship series ng Marinerong Pilipino at St. Clare sa susunod na linggo.

ELOY POLIGRATES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with